Day 4 na simula nung iniwasan ko muna ang masyadong maalat at mga processed food, kasi napansin ko talaga na tuwing marami akong nakakain nito, lumalala yung eczema ko sa braso at sa leeg. Ngayong umaga nagdala ako ng sarili ko baon, tapos sa lunch tumanggi ako nung inalok ako ng officemate ko na kumain sa labas, medyo awkward pero kinaya ko naman, kailangan ko talaga talaga subukan nang tuloy tuloy kahit isang linggo muna.
Yung leeg ko parang di gaanong kumakati ngayon kumpara nung isang linggo, pero hindi ko pa rin sure kung dahil ba talaga sa pagkain o dahil mas tahimik lang ang trabaho ko this week, naguguluhan pa rin ako minsan kung alin dun ang tunay na dahilan. Sana next week mas malinaw na, ilalagay ko lang muna dito araw araw yung ginagawa ko para may balikan din ako mismo. 🙂
