Past 1am pa rin gising kagabi, buong araw kasi nakaupo lang sa laptop dahil work from home tapos ayaw pa ring dumating ng antok pagdating ng gabi. Ginawa ko pa rin yung lotion bago matulog, wala namang kati ngayon.
Tiningnan ko rin yung mga lumang gamit na ilalabas ko bago lumipat, nabawasan na nang kaunti. Nag-sketch din ako ng ilang minuto bago humiga, gumaan tuloy yung pakiramdam! Nakatulog na rin ako pagkatapos non.
