Hindi talaga ako nakatulog kagabi kaya inuna ko na lang ayusin ang mga gamit dahil malapit na kaming lumipat. Nakita ko ulit yung mga lumang sketchbook ko mula noong work from home pa lang ako, matagal ko na palang hindi hinahawakan. Isang kahon muna ang tiningnan ko, tapos may itatapon, may itatago pa rin kasi minsan gusto ko rin balikan. Buong araw kasi naka-upo lang ako sa trabaho kaya sa gabi na lang talaga ako may oras gumalaw.
Slow ang takbo pero okay lang po sa lahat, unti-unti rin naman. Isang kahon ulit bukas ng gabi.
