Simula ng taon nag-try akong magbasa. Kahit isang chapter lang kada gabi. Mahirap talaga kasi baligtad ang oras ko sa trabaho. Minsan araw, minsan gabi ang shift ko. Dati puro laro lang ang ginagawa ko pag may libre akong oras. Ngayon 3 linggo na ito. 2 libro na ang nasimulan ko. Pero yung isa nasa page 80 pa lang. May gabi rin na 10 minuto lang talaga nabasa ko bago ako antukin. Baka sa akin lang pero mas payapa yung pakiramdam ko kumpara dati. Sana lang matuloy ito hangang dulo ng taon guys.
Oras ng Buhay ›Plano sa Paglago
[Aral] Konting basa bago matulog
Komento 0
- Wala pang komento.
Mag-log in para makapag-iwan ng komento.
