Matagal ko nang gustong bumalik sa gitara pero mahirap maghanap ng oras ngayon kasi busy sa job hunting, tapos may 3 kasal pa ako ngayong October!
Dati araw-araw akong nagpa-practice, pero ngayon minsan isang beses na lang kada linggo. Naisip kong subukan muna ng 3x kada linggo, 15 minuto lang bawat session, basta tuloy-tuloy.
Medyo konti pakiramdam ko pero baka okay lang talaga magsimula nang ganito.
Paano niyo po kinakaya magtakda ng modest na goal kapag busy talaga ang buhay? Mas okay bang maliit muna basta consistent kesa malaki pero hindi masusunod?
