Noong nagsulat ako dati tungkol sa likod kong parang bato sa sobrang upo sa trabaho, sinubukan ko nang tumayo paminsan-minsan pero kadalasan nakakalimutan ko rin pag busy na sa gawain.
Gusto ko na itong gawing mas regular ngayon. Plano kong magtakda ng tiyak na oras para tumayo at mag-unat kada ilang sandali, hanggang matapos ang buwan, para makita kung may pagbabago sa likod ko.
Mahirap lang talaga tandaan kasi sunod-sunod ang mga gawain. May paraan ba kayo para hindi nalilimutan ang ganitong break, mga nakaka-experience na jan?
