Mula sa huling naisulat ko rito tungkol sa paglalakad bago ayusin stock, hindi pala palagian, minsan maagang dating ng delivery kaya diretso na sa imbentaryo. Sa 8 araw, 5 beses lang akong nakalakad.
Gusto ko sanang gawan ito ng mas tiyak na takda bago matapos ang Oktubre. Una, apat na araw kada linggo kahit walang fix na oras. Pangalawa, 3 araw lang pero sisiguraduhin talaga.
Sa mga kasama rito po, mas regular ba ang trabaho ninyo kaysa sa akin, alin kaya mas mainam, target bilang ng araw o may fix na oras kahit paano?
