Noong huling post ko dito tungkol sa pagbalik sa plano, sabi ko susubukan kong tumayo paminsan sa trabaho kasi sobrang tagal kong nakaupo. Ika-5 araw na ngayon at tuloy-tuloy pa rin, pero may araw talaga na nakakalimutan ko.
Kahapon tumayo ako nang 6 beses sa buong shift, may alarm ako sa phone every 45 minuto para paalala. Minsan isang beses lang pag sobrang dami ng gawain, pero mas madalas na kaysa noong una kong sinubukan dati.
