Bumalik ulit ako sa plano kong gumalaw-galaw sa oras ng tindahan, kasi sabi ng doktor noong huling checkup ko mataas na raw ang presyon ko at kulang talaga sa ehersisyo! Mahirap lang kasi mag-isa akong nagbabantay dito, hindi ko kayang iwanan ang tindahan para lang maglakad sa labas.
Meron ba kayong paraan kung paisa-isa lang ang nagbabantay, paano niyo nasingit ang pag-ehersisyo kahit hindi puwedeng umalis-alis?
