Natutunan ko mula sa isang health page na may lag pala bago lumabas ang reaction sa balat, minsan pagkalipas pa ng ilang araw, hindi agad pagkatapos kumain, kaya mali pala ang akala kong dapat same-day may epekto agad.
Kase magkasabay lang naman nangyayari sa akin ang trabaho at ang kinakain, kaya sobrang lito talaga talaga ako dati kung alin doon ang sanhi, pero ngayon alam ko na dapat hiwalay ang listahan ng kinain at ng flare, tapos titingnan pa ang ilang araw bago sabihing pattern na talaga.
