Malapit na po kaming lumipat kaya sinisimulan ko nang linisin ang kwarto. Habang tinitignan ko ang mga gamit, nabasa ko sa isang artikulo na ang lumang unan, kumot, at kurtina ang kadalasang tinitirhan ng dust mites, lalo na kung matagal nang hindi nahuhugasan.
Doon ko na-realize na baka ito rin ang dahilan kung bakit lumalala ang balat ko tuwing gabi, kasi malapit sila sa akin habang natutulog. Buong araw naman akong nakaupo sa trabaho, kaya parang hindi masyadong nagbabago ang hangin sa loob.
Mga inuna kong tiningnan:
– lumang unan na matagal nang hindi napapalitan
– kumot na palaging nasa kama
– kurtinang nakabitin lang nang matagal
Sinisikap kong ihiwalay muna ang mga ito bago pa ang aktwal na paglipat. Baka po makatulong din sa mga palaging nahihirapang matulog.
