Kagabi natapos ko panood ang replay ng isang webinar tungkol sa sleep hygiene, at may tip na sinubukan kong gawin dito sa amin. Sabi ng speaker kasi ang screen light isang oras bago humiga, nakakaapekto raw ito sa pag-antok.
Dahil work from home ako at buong araw nakaupo lang sa harap ng laptop, hindi ko namamalayan gabi na pala minsan. Sinubukan ko ang tip niya sa loob ng 10 gabi, nagpatay muna ng ilaw at gumuhit lang sa notebook instead na nag-scroll.

Dati gising ako ng 3 beses sa isang gabi, ngayon minsan 1 beses na lang. Hindi pa perfect pero mas mabilis na akong nakababalik sa tulog kaysa dati po.
