May napanood po akong klase online kamakailan tungkol sa pagtulog, kasi matagal na rin akong nahihirapan makatulog kahit pagod na pagod ako sa buong araw ng trabaho sa bahay, nakaupo lang mula umaga hanggang gabi. Ang natatak sa akin doon, hindi raw katawan ang unang kailangang pagurin para makatulog, kundi utak, at ang screen pala ang dapat unang tanggalin bago humiga.
Dati akong nagguguhit sa tablet tuwing hindi ako makatulog, akala ko nakaka-relax na yun. Pero pareho pa rin daw ang epekto niyan sa ilaw ng screen kahit drawing app lang ang bukas.
Ngayon, 1 oras bago ako humiga, wala nang screen. Guhit sa papel na lang, tapos habang inaayos ko rin ang mga gamit dahil malapit na kaming lumipat, doon ko na rin nailalagay sa tabi ang mga gamit sa tablet na hindi ko na naman kailangan.
Hindi pa rin perfect ang tulog ko pero mas mabilis na akong naiidlip kumpara noon.
