Hindi po tungkol sa balat ito, kundi sa oras ng tulog, dahil doon din naman nagsisimula ang marami sa akin.
May webinar po akong napanood kamakailan, at doon ko unang narinig na mas mahalaga raw ang oras ng paggising kaysa oras ng pagtulog. Huwag daw unahin kung anong oras hihiga, kundi kung anong oras gigising kinabukasan.
Sinubukan ko po iyon nang 14 araw. Pinilit kong gumising sa parehong oras araw-araw, kahit anong oras ako nakatulog. Mahirap noong una kasi work-from-home ako at buong araw nakaupo lang, saka gabi pa ko madalas nagguguhit. Pero paglapit ng ikalawang linggo, mas madali na akong inaantok tuwing gabi.
Ngayong nagpapaliit din ako ng gamit bago lumipat, mas napansin ko kung gaano karaming oras ang nauubos ko sa paghihintay lang na antukin ako.
