May na-attend akong webinar last week, para sa mga naghahanap ng trabaho, tungkol sa paghahanda bago ang interview.
Hindi pala tungkol sa sagot ang laman nito, kundi sa paghinga bago sumagot.
Sabi ng speaker:
– huminga nang 4 segundo
– hawakan ang hininga nang 7 segundo
– ilabas nang 8 segundo
4-7-8 daw ang tawag, para raw kumalma muna bago mag-react.
Sinubukan ko agad bago ko buksan ulit ang guitar ko after ilang taon, dahil kinakabahan din pala ako na baka nakalimutan ko na ang mga chords.
Mas relax talaga yung kamay ko sa pag-strum pagkatapos nun.
Ginagamit ko na rin ito ngayon tuwing may kasal, kasi 3 ang dadaluhan ko this month.
