Kagabi mga 9pm, nanood ako ng video tungkol sa tamang pwesto sa desk kasi di pa rin gumagaling itong matigas na balikat ko sa sobrang upo sa opisina. Tatlong bagay lang pala ang kailangan ayusin:
– Monitor dapat kasing-taas ng mata, hindi nakatungo pababa
– Siko dapat nasa 90 degrees paglagay ng kamay sa keyboard
– Paa dapat lapat sa sahig, hindi nakabitin
Inipon ko yung 3 libro ko para itaas ang monitor, grabe ang laki ng epekto kahit simpleng ayos lang pala! Ngayong umaga, medyo diretso na ang tingin ko kahit matagal akong nakaharap sa screen.
