May napanood lang akong maikling clip kahapon tungkol sa home recording, at yun pala ang point, hindi mo raw kailangan ng magastos na gamit sa una, kasi mas importante munang masanay sa tahimik na lugar bago pa isipin ang mic o software. Kaya kagabi bandang 11pm, tahimik na ang mga bata, sinubukan ko gamit lang ang phone ko, 3 take ng iisang parte ng kantang pinapractice ko, hindi perfect pero may natutunan din ako sa paulit-ulit na pakikinig.

Parang mas totoo yung kulang kapag naririnig mo mismo kaysa sa utak lang, kaya alam mo agad kung saan kailangan pang ayusin, hindi pala kailangan ng sobrang preparasyon, minsan kailangan lang talaga subukan muna…
