Panoorin ko itong video kagabi, pagkatapos ng shift. Mula sa physical therapist channel, tungkol sa ankle pump para sa taong nakatayo nang 8 oras.
Simple lang:
– itaas ang sakong
– ibaba dahan-dahan
– ulitin
Ginawa ko na pala ito dati noong physical therapy ko, nakalimutan ko lang. Naalala ko ulit nung nakita ko sa video.
Sinubukan ko kagabi, 30 beses bago maligo. Mas magaan binti ko kumpara sa mga gabi na walang ginawa. Ika-2 gabi na ngayon.

Hindi ito kapalit ng compression socks o pag-aangat ng binti habang natutulog, pero madaling gawin kahit pagod.
