← Listahan

Oras ng Buhay ›Tala sa Natutunan

Bago pa sumakit, dapat gumalaw na pala

Pinapanood ko ulit yung mga video ng physical therapist na dati kong pinuntahan, yung tungkol sa pag-upo nang matagal. Sabi niya, hindi biglaan dumarating ang sakit sa likod, unti-unti lang yan kaya hindi namamalayan hangga’t hindi na masakit talaga.

Kasi ganito ako dati. Nakaupo lang ako nang mahabang oras tuwing nag-aaral, tapos bigla na lang masakit na. Akala ko dati sudden lang talaga yan, walang babala.

Ngayon sinusubukan kong gawin yung sinabi niya — pansin ko muna kung may konting kirot bago pa yan lumala. Pag may ganun, tumatayo na ako agad kahit sandali lang. Minsan nakakalimutan ko rin kasi focused sa reivew, pero sinisikap kong gawin parati.

Hindi ko masasabi kung permanente na solusyon ito para sa akin, pero mas kaunti na talaga ang pagsakit ng likod ko mula nung sinimulan ko ito kumpara noong una akong nagpapa-PT.

Komento 0

  • Wala pang komento.
Tingnan ang lahat ng post →