Sandali lang talaga bago bumalik sa laptop kanina.
Tumingala ako sa may balcony tapos ‘to ang nakita ko.
Ang linaw ng langit grabe, kita pa yung bundok kahit umaga pa lang.
Yung mga paso ng bulaklak sa may railing parang sumasabay pa sa hangin.
Parang sinabihan ako na huminga ka muna bago ka mag-panic sa mga job application mo haha.
Ikatlong beses ko na ‘to ginagawa this week, tumigil lang saglit dito bago bumalik sa emails.

Ilang minuto lang naman pero sobrang sulit talaga.
Meron din ba kayong ganitong spot na tinatakbuhan niyo pag sobrang dami na sa isip?
