Hindi pa rin ako nakakatulog kanina gabi kaya lumabas muna ako sandali papuntang bintana.
Doon ko nakita itong mga ilaw ng mga building sa kabila, gabi na pero marami pa rin bukas na bintana. Naisip ko tuloy baka may iba ring gising pa rin katulad ko, nakaupo lang sa harap ng screen o naghihintay lang matapos ang gabi.

Matagal na rin akong ganito tuwing hatinggabi po, pero minsan okay lang din pala na tumingin lang sa labas nang walang iniisip.
