Nasa gitna ako ng trabaho kanina nang inilapag sa mesa ang mga plato, chapati saka naan tapos may roti pa.
Hindi ko inaasahan na magkakaroon pa ng ganitong spread ngayong araw kasi puro packing na lang ang laman ng isip ko mula kaninang umaga.
Tumigil muna ako sa paglipat ng mga kahon, umupo, kumain kasabay nila.
Matagal na rin akong hindi umuupo nang maayos sa hapag dahil most of my time ay nasa harap na lang ng laptop, nakaupo pa rin pero kausap screen.
Habang kumakain, naisip ko na sana ganito rin madalas, hindi lang yung ulam kundi yung oras na sabay-sabay kaming nakaupo.
Malapit na kaming lumipat kaya unti-unti nang naglalaho ang mga gamit sa bahay, at baka hindi na kasama itong mesa sa bagong lugar.

Sayang lang kung makakalimutan ko itong hapag.
