Hindi pa rin ako makatulog kanina kaya tinuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga kahon.
May nakita akong lumang bag sa ilalim ng cabinet, doon pala napunta yung mga tuyong dahon at pinecones na pinulot ko noong tag-lamig. Dati kong plano gamitin sa sketch pero hindi natuloy, kaya naisipan kong gawan na lang ng maliit na arrangement.
Pinagsama-sama ko sa isang basket, tapos sumulat ako ng maikling note para ikabit dito, para maibigay na lang sa kapitbahay bago kami lumipat. Mas gusto ko kasing may mapuntahan pa ito kaysa matapon lang sa basura.

Medyo mahirap pa rin mag-let go ng mga bagay lately, pero okay lang din na ganito muna ang paraan ko ngayon.
