Hindi pa rin ako nakatulog kahit malapit na sa umaga. Nakaupo ako sa gitna ng mga kahon kasi magsisimula na kaming mag-empake, lilipat kami sa bagong bahay sa Setyembre.
Kati sa braso – 12mn
Kati sa likod ng tuhod – 1am
Kinuha ko ang sketchpad, 15 minuto lang bago ko na rin ibinaba ang lapis
Buong araw akong nakaupo kasi work from home ako, wala man lang paglabas. Tapos pag-gabi, ganito pa rin pala. 3am na po nang huli kong tiningnan ang orasan.
Sa edad kong 52 akala ko gagaan na ito paglipas ng taon. Mas madalas pa ata ngayon kesa dati.
