May katiting na kati ulit sa braso ko ngayong hapon, yung klase na ‘bumabalik’ kahit di naman dapat.
Baka epekto rin ng gulo sa isip, hinihintay ko pa yung tawag mula sa job interview, tapos sunod-sunod na kasal ng mga kaibigan ngayong buwan.
Parang sinasabayan lang talaga ng balat ko ang state ko sa loob.
Hinayaan ko na lang, kinuha ko na lang gitara ko saglit para malihis ang atensyon.
