Gabing gabi na pero hindi pa rin ako makatulog dito sa kwarto. Buong araw kasing nakaupo lang ako sa work from home, tapos pagdating ng gabi parang gising pa rin ang isip kahit pagod na ang katawan. Sinubukan kong mag-doodle kanina baka makaidlip ako pero mas lalo pa akong na-alert, tapos naisip ko pa yung mga kahon na dapat i-pack para sa lilipatan namin. Marami pa palang kailangan ayusin pero wala akong ganang gumalaw ngayon.
Minsan naiisip ko na lang, ganito na siguro kapag tumatanda na, mas mahirap makatulog kahit gusto na ng katawan magpahinga.
