Job hunting talaga ang dahilan kung bakit bumalik ang kati sa braso ko ngayong linggo.
Ilang buwan na rin akong maayos, parang nasa ‘maintenance’ mode na lang, tapos ganito na naman.
Sabay-sabay kasi lahat, pag-aapply sa bagong work, mga kasal ng kaibigan na sunod-sunod, pati yung pagbabalik ko sa pagtugtog ng gitara na sana pampalipas-oras lang.
Akala ko kaya ko na lahat, pero mukhang hindi pa pala.
Nung gabing hindi ako makatulog dahil sa iniisip kong interview, doon ko na-notice na mainit na yung braso ko.
Sabi ko sa sarili, ‘ok ka na naman’, pero ayaw maniwala ng katawan ko.
Iba talaga ang bigat pag ganito nangyayri sa panahong akala mo ok ka na.
Minsan gusto ko na lang huminto sa lahat, pero alam ko namang hindi naman pwede.

