Ilang gabi na akong halos hindi makatulog, kahit alam kong maintenance stage na ang balat ko ngayon.
Busy kasi kami ngayon sa paglilipat, kaya gabi-gabi nag-aayos ako ng mga gamit dahil sa araw puro trabaho naman, nakaupo lang buong araw sa harap ng laptop. Tapos pagdating ng gabi, doon ko naramdaman na parang gustong kumati ulit yung braso ko, kahit wala namang bagong sugat o pantal na lumabas.
Sinubukan ko yung dati kong ginagawa, yung nagdo-doodle para maiba isip, pero 1am pa rin ako gising, iniisip yung dami pang kahon na kailangan ayusin.
Baka stress lang talaga dahil sa lipat, pero bakit parang balik-balik yung pangangati kahit stable na dapat.
May nakaranas na rin ba kayo nito, na bumabalik yung kati tuwing may malaking gawain o kaba, kahit wala namang bagong flare? Ano po ba talaga ang ginagawa niyo para makatulog kapag ganito?
