Hindi pa rin ako nakatulog nang maayos kagabi po kahit pagod na pagod ako. Nakaupo lang ako buong maghapon dahil work from home, tapos ngayon may ginagawa pa kaming maglinis dahil malapit na kaming lumipat, kaya lalong dumarami ang naiisip ko kapag gabi na. Kinukuha ko na lang ang sketchbook ko at doon ako gumuguhit hanggang mapagod talaga ang mata ko! Mas mabuti pa raw yun kaysa nakahiga lang na hindi rin naman natutulog, pero pagkatapos noon, mas gising pa rin ako kaysa dati.
Meron na rin po ba sa inyo nito, na mas gumagana pa ang isip niyo sa gabi kaysa sa umaga, tapos hindi niyo alam kung susuko na lang sa hindi pagtulog o pipilitin pa ring pumikit? Paano niyo po nalalampasan ang mga gabing ganito lalo na kung may malaking pagbabago namang kasabay?
