Sawang-sawa na talaga ako sa tanong ng mga kamag-anak kanina sa kasal.
3rd wedding ko na ito this month tapos pare-pareho lang ang tanong nila eh. ‘Kailan ka naman mag-aasawa’ tapos pag sinabi kong wala pa akong trabaho, sagot naman ‘bakit ganon, edad mo na yan.’ Hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak na lang dun.
Buong linggo ko namang inaapply yung sarili ko, 12 companies na yata ang na-message ko pero wala pa ring tumatawag pabalik. Tapos sa kasal pa lagi tinatanong, parang wala na akong ibang pagkakakilanlan kundi single at unemployed.
Pagod na pagod na ako kasi hindi lang isa, sunod-sunod talaga ngayong buwan. Gusto ko na lang matulog nang mahaba pag-uwi, pero meron pa akong isa next week.
