Kagabi sa kasal ni Trisha, unang beses ulit akong naka-sleeveless matapos mga 2 taon.
Dati kasi lagi akong naka-blazer o cardigan kahit mainit, basta matakpan lang braso ko. Kahapon medyo na-realize ko na lang na baka okay na rin subukan.
Buong hapon halos hindi ko na naisip yun. Nag-usap kami, kumain, sumayaw pa nga ako ng konti kahit ayaw ko talaga sumayaw.
May isang kaklase na nagtanong, “bago ba yang damit mo?” wala naman pala kinalaman sa braso, texture lang pala ng fabric ang tinutukoy niya. Sa isip ko lang pala yun.
Medyo pagod pa rin ako ngayon kasi umuwi kami ng 1am, pero masaya yung araw na yun. Andami ko pa palang kailangan i-apply sa job hunting ngayong linggo, pero bukas na ulit ako mag-isip niyan.
