Tinanong ako ulit ng kaibigan ko kung pwede akong tumugtog sa kasal niya sa susunod na buwan.
Sabi ko oo agad pero pagkatapos noon saka ko lang na-realize na matagal ko nang hindi ‘ginagalaw’ yung gitara ko nang sunod-sunod.
Puro job hunting kasi ang ginagawa ko ngayon, may interview pa akong pinaghahandaan, kaya pagdating ng gabi wala na akong enegy magpractice.
Ayoko namang bawiin yung sinabi ko sa kanya.
Yung mga nagbalik din sa instrument nila pagkatapos ng tagal, paano niyo nakaya i-fit yung practice kahit puno na ang araw sa ibang bagay?
