Grabe, hindi ko akalaing magkakasabay talaga ang lahat.

May 3 kasal ako sa loob ng 1 buwan, halos lahat kaibigan mula college pa. Masaya naman pero medyo panic din kasi magkasabay pa ng ilang interview ko para sa bagong trabaho.
Kailangan ko pang mag-ipon para sa pamasahe, gift, at outfit sa bawat isa, tapos may practice pa ako ng gitara kasi hiningi akong tumugtog sa isang kasal.
Sabi ng kaibigan ko, ‘wag ko raw isasabay lahat, pero wala naman akong magagawa kung ganito talaga ang schedule nila.
Minsan gusto ko na lang mag-decline pero baka masama ang loob nila. Nakaka-stress pala ang masasayang okasyon pag sunod-sunod din pala.
Paano niyo ba pinagsasabay ang ganitong sitwasyon, lalo na sa budget? May paraan ba kayo para hindi agad maubos ang savings pag ganito karaming kasal?
