Kaka-tapos ko lang mag-type ng parte ng thesis ko kanina.

Tumingin ako sa relo, 1:20 ng umaga na pala.
Naalala ko yung sabi ng doktor, mataas daw yung sugar at cholesterol ko, kailangan na raw mag-ingat kahit sa oras ng tulog.
Gusto ko sanang mag-kape, pero tubig na lang ininom ko.
Bukas tatakbo pa ako bago pumasok, kahit sumasakit pa yung tuhod ko sa huling takbo.
Minsan hindi ko alam saan ko pa kukunin ang oras para sa lahat ng ito.
