Hindi pa rin ako makatulog kahit gabing-gabi na po.
Buong araw nakaupo lang ako dahil nasa bahay ang trabaho ko, tapos pagdating ng gabi parang gising pa rin ang buong katawan ko. Nagdodrawing na lang ako ng kaunti para mapagod ang isip, pero hindi pa rin agad dumarating ang antok.
Nagbabalot din ako ng mga gamit dahil malapit na ang lipat ko, kaya mas dumadami pa ang naiisip ko sa gabi. Parang ang haba talaga ng oras bago ako makatulog.
