← Listahan

Sabay-sabay ›Malayang Kwentuhan

Punong-puno ang isip ko ngayon

Nahihirapan akong makatulog kanina kaya nagsulat na lang ako sa notebook ko, sinubukan kong ilista lahat ng nasa isip ko para di na paikot-ikot.

Tatlong kasal pala ang dadaluhan namin this month, tapos may deadline pa ako sa trabaho sa Friday, tas si bunso may project din sa school na kailangan ko tulungan gabi-gabi. Honestly, di ko alam kung paano ko masasabay lahat.

Nung tiningnan ko yung orasan, 2am na pala. Punong-puno talaga kasi parang lahat dumarating nang sabay-sabay, tas yung takbo ko sa umaga na bago ko pa lang sinisimulan, naiisip ko na lang din i-skip para makatulog nang konti.

Ganito na lang muna siguro ang gagawin ko, isulat habang gising pa ako sa gitna ng gabi…

Komento 0

  • Wala pang komento.
Tingnan ang lahat ng post →