Hirap pala talaga bumalik sa job hunting pagkatapos ng mahabang break.
Kagabi hanggang 11pm ako nag-aayos ng resume ko kasi parang nawalan na ako ng direksyon kung paano ipaliwanag yung mga blangkong buwan dati. Puro check-up at pahinga lang talaga ang nangyari non.
Natakot ako na baka tanungin ako nang diretso sa interview kung bakit may gap. Pero naisip ko nalang, ‘ayos lang na sabihin na nag-focus muna ako sa sarili ko noon.’ Hindi na dapat ikahiya yun kasi totoo lang naman.
May mga ibang commitment din na dumarating ngayon kaya medyo crowded ang schedule ko. Pero isa-isa lang muna ang aasikasuhin ko.
