← Listahan

Sabay-sabay ›Malayang Kwentuhan

Natabunan na naman plano ko

Matagal ko na gustong subukan gumawa ng sarili kong mga piraso para sa tindahan, pero puro plano lang, hindi pa rin ako natuloy kasi puro ospital kasama si mama at tindahan ang araw-araw ko ngayon.

Kanina habang wala pang customer inilabas ko na yung mga gamit kong nakatago, pero bago ko pa maayos tumawag na ate ko tungkol sa susunod na check-up ni papa, kaya naiwan na lang ulit.

Minsan naiisip ko baka hindi talaga ako yung tipong kayang mag-umpisa agad, pero ayos lang din, dahan-dahan ko lang talaga, basta may oras pa ako sa pag-aayos ng mga paninda ko mula sa secondhand group.

Komento 0

  • Wala pang komento.
Tingnan ang lahat ng post →