2 linggo na akong nagta-tala bago matulog, kasi grabe talaga ang iniisip ko tuwing gabi, parang hindi na tumitigil.
Pag-ihiga na ako, sabay-sabay na pumapasok sa utak ko ang bills, gawain sa bahay, pati ang mga kasal ng mga kaibigan na papalapit na.
Kaya sinusubukan ko, sinusulat ko na lang talaga yung dumadaan sa isip, walang ayos, minsan tatlong linya lang, minsan mahaba pa rin.
Hindi naman nawawala agad ang pagkabalisa, pero medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko, parang nailuwa ko na sa papel kesa ilipat-ipat lang sa utak buong gabi.
