Ikatlong kasal na ito sa loob ng 2 buwan at parang nahihirapan na ko sa budget.

Nag-resign ako last month kasi di na kinaya ang dati kong trabaho. Ngayon nag-aapply pa lang ulit, wala munang steady income.
Ayaw ko namang mag-skip kasi matagal na silang kaibigan. Pero bawat kasal, parang kailangan mag-isip ulit kung magkano ilalagay sa envelope.
Minsan nahihiya din ako kasi baka mukhang ‘kuripot’ kung konti lang ang ibigay. Pero wala talaga akong steady na pera ngayon.
Paano niyo po ginagwa ‘yan kapag sunod-sunod ang kasal pero kipot ang budget? May fixed amount ba kayo o depende lang sa sitwasyon?
