Kagabi hindi ako agad nakatulog kasi nagbasa-basa ako ng mga naitala kong idea sa notes ng phone ko, tapos nabilang ko, 9 pala ang maiikling recording o sketch na nagawa ko mula nung nagsimula ulit akong mag-isip tungkol sa pagtugtog.
Yung iba ilang linya lang ng chords, yung iba naman paulit-ulit kong pinatugtog bago ko isinave, pero kapag binabalikan ko sila isa-isa, parang gusto kong ituloy lahat, kaya wala talagang natatapos sa kanila.
Minsan naiisip ko rin na baka mas okay kung isa lang muna ang pagtutuunan ko, pero pagka-try ko nun, bumabalik pa rin ako sa ibang idea kasi parang mas gusto ko yun sa araw na yun.

Mga kuya at ate po dito, paano niyo napipili kung alin ang unang tatapusin kapag marami kayong gustong simulan nang sabay?
