Medyo stable na ang balat ko ngayon, pero mahirap pa rin ang tulog ko sa gabi.
Buong araw akong nakaupo sa bahay dahil work from home ako, kaya pagdating ng gabi, matagal bago ako makatulog kahit pagod na pagod na ako. Dalawang buwan na rin akong nagigising nang dalawa o tatlong beses sa gabi.
Mas lalo pa ngayon dahil nag-eempake na kami, tatlong linggo na lang bago kami lumipat. May ganito rin po ba sa inyo kahit stable na ang balat, na parang ayaw na lang dumating ng tulog nang mag-isa?
