Minsan nahihirapan akong magsimula kahit gusto ko na talaga subukan yung paggawa ng maliliit na bagay, parang candle o resin keychain na pwede ko ring ibenta sa tindahan ko.
Tuwing uuwi ako galing sa clinic kasama si mama, pagod na pagod na ako kasi, kaya ang gusto ko na lang gawin ay humiga at mag-scroll ng phone, tapos bigla na lang nagigising ako na gabi na pala.
Yung mga gamit na kailangan ko nabili ko na nga sa secondhand, pero nakatago pa rin sa kahon hanggang ngayon.
Sa mga nagsimula rin mula sa wala, paano niyo ba talaga naipilit ang sarili niyo na gumawa ng unang hakbang kahit ayaw pa ng katawan?
