Matagal na po akong nahihirapang matulog kaya mahaba ang gabi para sa akin. Dalawang buwan na mula nang nagsimula akong mag-ayos ng konting gamit bawat gabi bago humiga, mga 15-20 minuto lang.
Kasi WFH ako kaya buong araw nakaupo sa computer, minsan hapong-hapo na pala ako pero hindi physically tired. May lilipatan din kami this year kaya dahan-dahan kong binabawasan ang gamit, 2-3 kahon isang linggo.

Napansin ko, pagkatapos mag-ayos konti, mas mabilis akong inaantok kesa diretso lang sa kama habang nag-iisip. Minsan nagdo-doodle din ako ng ilang minuto bago iyon.
Hindi pa tuluyang gumaling ang tulog ko, pero mas madalas na akong nakakatulog bago mag-alas-dos ngayon kumpara noon.
