Matagal na akong nahihirapan matulog, minsan alas-dos pa gising ako kahit pagod na sa buong araw na upo dahil work from home ako. 2 linggo na mula nung binago ko yung gabi ko bago humiga.
Ito ginawa ko:
– alas-9pm, off na ang laptop, wala nang trabaho pagkatapos non
– gumuguhit ako ng 15-20 minuto sa halip na naka-phone
– inaayos ko rin konti yung kwarto kasi malapit na kaming lumipat
Sa 14 gabi, mga 9 dun mas mabilis akong nakatulog kaysa dati. Hindi perpekto pero mas madalas na akong naka-idlip bago mag-alas-12 ngayon.
