Bago pa man uminom ng tubig, nasa hardin na ako sa umaga.
Tinitignan lang ang mga gulay. Nagbubunot ng tuyong damo. Doon ko na-realize, doon pala ako pumupunta kapag magulo ang isip.
Marami kasing nangyayari ngayon. Job hunting pa rin ako. Mas madalas na rin kaming pumupunta sa ospital kasama ang mga magulang ko.
Kaya isang umaga, bago ko binuksan ang laptop, pumunta muna ako doon. Wala namang malaking ginagawa. Nagtatanim lang. Minsan nakaupo lang. Parang doon ko na-oorganize ang [sarili ko] bago harapin ang araw.
Wala pa ring sagot ang paghahanap ko ng trabaho. Pero yung ilang minuto doon, nakakatulong para hindi lahat dala-dala pagbukas ko ng laptop.
Kayo, meron din ba kayong ganito?
