Matagal ko nang hirap sa pagtulog, minsan hanggang 2am pa ako gising kahit maaga na akong nakahiga. Dahil work from home ako, buong araw halos nakaupo lang, kaya pagdating ng gabi parang ayaw pa ring tumigil ng utak ko. Simula nang mag-decide kaming lumipat, kailangan kong bawasan ang mga gamit ko, kaya gabi-gabi may oras akong inilalaan para mag-ayos ng kahon. Napansin ko na mas mabilis akong nakakatulog sa mga gabing may ginagawa akong ganito, kumpara sa mga gabing nasa kama lang ako naka-scroll ng phone.
Ito yung ginagawa ko ngayon, mga 3 buwan na:
– mga 9pm, tumitigil na ako sa trabaho kahit may natitira pa
– naglalabas ako ng isang kahon lang, hindi lahat ng silid, para hindi ako mapagod masyado
– bago ko itapon o ibigay ang gamit, iginuhit ko muna sa maliit na notebook, parang paalam
– pagkatapos ng mga 20 minuto, doon na ako maliligo at hihiga
Nung una akala ko pagguhit lang ang tumutulong, pero mukhang yung paglalakad papunta sa mga kwarto habang nag-aayos ang nagpapapagod din sa katawan ko, kasi buong araw naman akong nakaupo sa trabaho. Mga 5 beses sa isang linggo ko ito nagagawa, minsan hindi ko na kaya kasi pagod na pagod na rin ako sa trabaho.
Hindi pa rin perfect, may mga gabi pa ring 1am na ako nakakatulog, pero mas madalas na ngayon na bago mag-11pm ako nakakatulog na, kumpara noong 2 buwan pa lang ang nakalipas. Baka may makatulong din dito sa inyo, lalo na kung parang ako rin dati puro phone habang nasa kama.
