Matagal na po akong nagwo-work from home, at dahil wala namang nakatakdang oras ng pag-uwi dito sa bahay, minsan hanggang alas-11 o alas-12 ng gabi ako nakaupo pa rin sa harap ng laptop. Buong araw nakaupo, tapos gabi pa rin nakaupo, kaya siguro isa rin po yun sa dahilan kung bakit mahaba ang gabi ko lately.
2 buwan na po mula nang nagdesisyon akong maglagay ng hard stop sa trabaho. Alas-7 ng gabi, may alarm ako sa phone, at kahit hindi pa tapos ang ginagawa, itinitigil ko na po. Sa una, nahihirapan talaga akong sundin dahil nasa isip ko pa rin yung mga pending, pero sinanay ko na lang sarili ko.
Pagkatapos ng alas-7, nag-aayos ako ng mga kahon dahil malapit na po kaming lumipat, kaya kailangan nang bawasan ang gamit. Mga 30 minutes akong nag-aayos, pumipili kung ano ang dadalhin at ano ang ipapamigay. Pagkatapos non, kinukuha ko yung sketchbook ko at gumuguhit ng kahit ano, walang tema, basta kamay lang ang gumagalaw. Mga 15 hanggang 20 minutes lang din po yun.
Hindi ko po masasabing nawala na yung pagkagising ko sa gabi o yung kati, pero yung pakiramdam na ang haba pa ng gabi ay medyo bumawas na. Dati, kahit anong oras ako humiga, hanggang alas-1 o alas-2 pa rin ako gising. Ngayon, mas madalas nang bago mag-12 ay nakakatulog na ako, kahit hindi pa perfect.
