Ilang linggo na rin akong naglilinis-linis bago kami lumipat, unti-unti lang po, isang lugar sa bahay kada gabi.
Kagabi doon ako natigil sa drawer, doon kasi naipon ang mga maliliit na sketchpad at scratch paper ko, sobrang dami dahil buong araw akong nakaupo sa parehong mesa dahil work from home ako.
Binilang ko po, 23 piraso lahat. Karamihan tatlong pahina lang ang may guhit tapos naiwan na lang basta-basta. Tatlo lang ang tinago ko, ibinigay ko na ang iba sa kapitbahay namin na may anak na mahilig gumuhit.
Nakakapagod din pala ang mag-ayos ng ganito gabi-gabi, pero maganda rin ang pakiramdam pagkatapos, parang gumaan ang katawan bago humiga.
