Matagal ko nang gustong subukan na huwag munang tumingin sa screen bago humiga, kasi kahit pagod na sa buong araw na upo sa trabaho, ang isip ko parang naka-on pa rin pag gabi na.
Kaya po sinubukan kong papel at lapis na lang ang gamitin pag gumuguhit sa gabi, hindi na yung tablet. Mas mabilis palang bumaba ang antok kesa dati, at hindi ko na rin kailangang mag-charge bago humiga.
May mga gabi pa ring mahaba, lalo na ngayong marami pang inaayos para sa lipat. Pero itong paglipat sa papel, isa siya sa maliliit na bagay na may pagbabago!
Sinusulat ko na lang po ito bilang tala sa sarili.
